NOTA

Sa mga wiz knowings humanash ng beks, gora lang sa Hanashan Page. Chenes ni atashi mga ganap ditis!


Translation? Sigi na nga. Chos! Sa mga di masyadong marunong mag gay speak, pwede naman magrefer sa Hanashan Page. Will update it regularly para naman makarelate kayo sa ganap dito di ba?


Last na, like my page on Facebook, The Beki Whisperer, keri? Keri.


Happy reading!

Showing posts with label family. Show all posts
Showing posts with label family. Show all posts

Thursday, February 11, 2016

HALOOOO!

Mga Beks!!!!! Juskolord, yes buhay pa Ko! CHAROT! Hiatus Lang mga teh, anubey. Daming ganap. 

Anywhoo, isa Sa mga ganap eh juwi Na Ng etivac ang Beks everyday. Yes. Etivac to Kyusi to Etivac. Everyday. Kaloka. Bet mo ba Yung borlogs mo eh probinsya levels like mga 9 PM, eklips Na? Ganyans! 

Dahil Jan, everyday interaction Kami Ng mudra at ang winner talaga Ng hirit Ng mudra! Eksena Ng 5 AM itis ha! 

Mudra: sakit Na Ng tagiliran Ko kakaubo
Beks: Sinabi Na Kasi pa check up mo Na Yan. May health card naman. 
Mudra: Napa check up Na Nga. 
Beks: oh eh Anong sabi?
Mudra: Wala naman daw. 
Beks: eh Ano Yan? Ano ba mismo masakit?
Mudra: Yung buto Na Nga mismo. Yung ribs ata. 
Beks: pacheck mo Na Yan Baka kelangan Ka Na magpa x-Ray
Mudra: tapos Na Nga. Tapos Na din x-Ray. Ano papa x-Ray ulit ako Wala Ka one month Yung una. Gusto mo ba Ko mabaog?
Beks: Ay ma, may balak Ka pa magbuntis ulit??? Di Ka pa quota???

Gusto ko na lang talaga tumambling, kung di lang ako nagmamadaling umalis ng baler!!!


Sunday, March 15, 2015

Dedma

Tatlo kaming magkakapatid, I'm the eldest then two girls ang sumunod. The youngest, unplanned yon! Pero, special yan. She has Down's syndrome, kaya special sya in more ways than one. Ito sya oh with the parents.


Minsan, naconfine yan. Napakasakitin kasi. So fly ako ng Etivac. Pagdating ko dun, mas malakas pa sa kabayo kung makasipa! Sabi ng mudra, nag iinarte lang daw. So, nagchismisan na lang kami ng mudra at ang isang sister ang topic namin. 

Akems: Oh, kamusta na boyfriend ng anak mo?
Mudra: Ayun, wala na.
Akems: Ha? Hindi ko pa nakikilala yan, wala na kagad?
Mudra: Ehhh... wala daw time sa kanya. Puro daw trabaho. Hindi sya pinupuntahan. Di hindi na pinapansin.
Akems: Isn't that a good thing? Priority ang work. Tapos di papansinin ng dahil dun lang?
Mudra: Ehhh... kilala mo naman yang kapatid mo. Parang ikaw, kapag ayaw na hindi na pinapansin.
Akems: (Si Mudra nakakadalawa na, kelangan ko na bumawi dito) Eh sa tingin mo, kanino pa kami magmamana? 
Mudra: ....


YES!!!! Nakabawi ako kay Mudra!!!!