NOTA

Sa mga wiz knowings humanash ng beks, gora lang sa Hanashan Page. Chenes ni atashi mga ganap ditis!


Translation? Sigi na nga. Chos! Sa mga di masyadong marunong mag gay speak, pwede naman magrefer sa Hanashan Page. Will update it regularly para naman makarelate kayo sa ganap dito di ba?


Last na, like my page on Facebook, The Beki Whisperer, keri? Keri.


Happy reading!

Saturday, May 23, 2015

Hugot

Nainlababo ka na ba? Nasawi? Naiwan? Pinaasa? Charot! Ang daming hugot teh! Nakakaloka! Nasight ni atashi ang Vidsee. Marami ka pwede masense na mga Asian short films dun. May comedy, may horror, at may mga hugot eksena. Takte! Ito yung relate na relate eh





Kuya, aalis na nga yung isa, eeksena ka pa eh. Bwiset ka. Pag ganyan, pabayaan mo na. Bagong buhay na nga, PAASA ka pa din eh. (Kalma na ako. Inhale, exhale.) 

Pero, bet na bet ko to kasi in 3 minutes, gets na gets mo kagad yung kwento. Attttt wag kaaaaaaa! In fairness sa acting nung dalawa, di sya patapon..... masyado. Charot! Totoo, ok naman yung akting nila. Pero si Jedd Diomaro, nadadama kong abangers din sya dati sa jowa nya. ECHOS lang! Baka warlahin ako ng kuya nyo! Magaling sya. Ako nga ang dami ko na hanash dito bago ko masabi yung sasabihin ko. Si kuya, concise (Apply ka kaya abstractor kuya? CHOS!)

Sense pa kayo sa Vidsee ng iba pang short films. Im shor, mapapanood nyo lahat yan. Kayo, wag echusera. Ang dami nyong downtime sa shubahar, I'm Shor! Nakakapagbasa ka nga dito at nagFFB pa. Stop stopping me ha! ECHOS!

Sunday, May 10, 2015

Gloria Labandera

Sa kadahilanang si Beks Ay isang ordinaryong mamamayan lamang. Issue Ko sa buhay kung pano maglalaba ng mga outfit! Purita si beks. Waing Mimi. Pangarap Ko na nuon pa na maexperience ang DIY laundry. Yung julugan mes ng baryabels keribums na. Gora na yung laba. Cynthia ba naman mag akala na sa maginhawa pa ako makakita! Presenting:


Photo from Google

Ohhhh winner. Wiz na ma-Luz Valdez ang mga outfit mo teh! Kung bet mo bantayan habang jumijikot yung machine, Keri lamang. Therapeutic yan. Charot! Ito ang guide nila.


Kung galing ka bundok at perstaym ditis, Keri Lang magtanong beks. Wiz Meldy ang mga utaw ditis. Aassist ka pa. 


Price list nila. Keri na di ba? 8 kilos Keri ng isang machine. Kaya kung weekly Lang na damit mo, Kahit shala ka at wiz ka umuulit ng damit, Pasok sa banga pa din yan. Depende sa Dumi ng damit mo ang presyo. Kung dugyot ka at parang taong grasa ka mag damit, dun ka sa Q3. Pero kung Dalisay ka naman na laging fresh, sa Q1 check ka na. Yung drier, depende na yan kung Gano katagal mo bet paandarin. May benta din silang detergent at fab con kung may Alzheimers ka na at wiz mo nadala. (Pero bakit ganon? Akala ko 7.50 lang ang Ariel? Charot!)


Medyo gilid lang pero may tables yan for more tambay more fun Dahil free din wifi ng mga hitad! Wiz Ko Lang natanong if pwede magsaksak. 


Ito naman ang driers nila. Meron pa yan hanggang likod. Karir sa machine tong mga to! Pramis! 


Syempre since DIY, wag ka umasa na May taga Tupi ka ng outfit mo. Ambisyosang to. Wala ka na nga ginawa, magtupi ka man Lang daw! Advise Ko Lang, pag maglalaba ka ditis, wag mo gagayahin si Beks. Sando at shorts check na. Ang atashi, Makapag polo shirt at 3/4 pants pa. Jinits teh! Pero normal yan. Majinit yung drier no! 

Like them on Facebook Quicklean Philippines or gora sa website nila Quicklean.

Wednesday, May 6, 2015

Looking

Bagot ang atashi. Buti nagsuggest ang ka-shubahar kes ng TV show. OK daw. Sa HBO. Sabi ko, "ayyyyy pag HBO maraming nudities!" Charot! 




Bida-bidahan si Jonathan Groff as Patrick galing Glee at ang nag dub kay Kristoff sa Frozen. Oh Wag ka umarte na wiz mo knows ang Frozen. Lahat ata ng badet na knows ni atashi, knows yan. Either indie ka or straight ka. Ang judgemental! Charot! Anywhoo, malamang tungkol to sa buhay bading, where else? Sa San Francisco, California. Looking dahil ang lola mo feeling ko naghahanap ng pagmamahal. Pero nasanay sya ng alis kati lang. At may feature ditis ang Grindr! Malamang, sa mga naghahanap ng kamot, ito ang lapitan. Pati yung OKcupid. Nakakalerks! Pero in fairness, ito lang ata ang TV Series galing HBO at gay-themed pa, na waing hubadera! Nakakagulat lang. 

Hanash ko lang, parang feeling ni akems eh, ito na yung mga usual na kwentong bading. Lungkot lungkutan, hanap ng kamot, marealize ni mem na wiz lang kamot ang dapat kinabubuhay. Yung ganon? Alam mo yon? I'm shor, knows mo yan. Pag di mo knows, bata ka pa. Charot! Pero, in fair, kakarelate naman ang kwento. Malamang! Pag di ka nakarelate eh wiz ka juding! Echos lang. Pero sana lang pinahaba pa nila dahil malay mo may maooffer pa pala ang mga hitad!

Balita ko kasi cancelled na. Pero watch mo itis. Hindi naman sya bagot. Winner pa mga title ng episodes. Tapos, wait ka lang sa finale. Parating pa lang daw. Chos!


Photo courtesy of Wikipedia.

Saturday, May 2, 2015

Beksena: Theo's Baked + Brewed

Jeskelerd! Ito na nga ba eh, puro na laps si atashi! Wai na work-out, more more laps! Pero kebs! Masarap kumain. Lalo na kung nasa Maginhawa ka. Newly opened ang Theo's Baked + Brewed, sa katunayan, soft opening pa lang sila. Pero dahil bago, try na natin! Charot! 


Oh, effort ako nyan magpicture ha! Nasa kalye na ako. Echos lang. 


May jupuan sa labas para sa al fresco feel. Wiz ko pala natanong kung keri mag suba. Pero feeling ko, keri lamang. 


Oh, may palabitin pa! 


Angkyot kasi nung sign nila for order here kaya may I kodak ako. 



Loft type ang space nila, so meron pa jupuan sa taas at ang kyot din nung nasa wall di ba? 


Order ni atashi. Hungarian Sausage. Oh wag na magreak. Alam nyo na naman kung bakit. Charot! Pero ang totoo, bawas na yan. Tom Jones na akes! Parang awa nyo na!


Check ang fudang nila! May beef tenderloin sila na super lambot ng beef. Waing kodak at tommy na din si jowa. Next time. Chos! And the cheesecake! Winner! Feel na feel ko ang cheese sa cake. Bet na bet ni atashi yon! Visit them. Friendly staff, good food, very nice ambience. Masaya ata tumambay dito habang sumusulat. 

Like them on Facebook Theo's Baked + Brewed and on Instagram theosplaceholder. Click na lang mga beks. Wag na tamad ples.