Photo from Google
Ohhhh winner. Wiz na ma-Luz Valdez ang mga outfit mo teh! Kung bet mo bantayan habang jumijikot yung machine, Keri lamang. Therapeutic yan. Charot! Ito ang guide nila.
Kung galing ka bundok at perstaym ditis, Keri Lang magtanong beks. Wiz Meldy ang mga utaw ditis. Aassist ka pa.
Price list nila. Keri na di ba? 8 kilos Keri ng isang machine. Kaya kung weekly Lang na damit mo, Kahit shala ka at wiz ka umuulit ng damit, Pasok sa banga pa din yan. Depende sa Dumi ng damit mo ang presyo. Kung dugyot ka at parang taong grasa ka mag damit, dun ka sa Q3. Pero kung Dalisay ka naman na laging fresh, sa Q1 check ka na. Yung drier, depende na yan kung Gano katagal mo bet paandarin. May benta din silang detergent at fab con kung may Alzheimers ka na at wiz mo nadala. (Pero bakit ganon? Akala ko 7.50 lang ang Ariel? Charot!)
Medyo gilid lang pero may tables yan for more tambay more fun Dahil free din wifi ng mga hitad! Wiz Ko Lang natanong if pwede magsaksak.
Ito naman ang driers nila. Meron pa yan hanggang likod. Karir sa machine tong mga to! Pramis!
Syempre since DIY, wag ka umasa na May taga Tupi ka ng outfit mo. Ambisyosang to. Wala ka na nga ginawa, magtupi ka man Lang daw! Advise Ko Lang, pag maglalaba ka ditis, wag mo gagayahin si Beks. Sando at shorts check na. Ang atashi, Makapag polo shirt at 3/4 pants pa. Jinits teh! Pero normal yan. Majinit yung drier no!
Like them on Facebook Quicklean Philippines or gora sa website nila Quicklean.
No comments:
Post a Comment