NOTA

Sa mga wiz knowings humanash ng beks, gora lang sa Hanashan Page. Chenes ni atashi mga ganap ditis!


Translation? Sigi na nga. Chos! Sa mga di masyadong marunong mag gay speak, pwede naman magrefer sa Hanashan Page. Will update it regularly para naman makarelate kayo sa ganap dito di ba?


Last na, like my page on Facebook, The Beki Whisperer, keri? Keri.


Happy reading!

Saturday, May 2, 2015

Beksena: Theo's Baked + Brewed

Jeskelerd! Ito na nga ba eh, puro na laps si atashi! Wai na work-out, more more laps! Pero kebs! Masarap kumain. Lalo na kung nasa Maginhawa ka. Newly opened ang Theo's Baked + Brewed, sa katunayan, soft opening pa lang sila. Pero dahil bago, try na natin! Charot! 


Oh, effort ako nyan magpicture ha! Nasa kalye na ako. Echos lang. 


May jupuan sa labas para sa al fresco feel. Wiz ko pala natanong kung keri mag suba. Pero feeling ko, keri lamang. 


Oh, may palabitin pa! 


Angkyot kasi nung sign nila for order here kaya may I kodak ako. 



Loft type ang space nila, so meron pa jupuan sa taas at ang kyot din nung nasa wall di ba? 


Order ni atashi. Hungarian Sausage. Oh wag na magreak. Alam nyo na naman kung bakit. Charot! Pero ang totoo, bawas na yan. Tom Jones na akes! Parang awa nyo na!


Check ang fudang nila! May beef tenderloin sila na super lambot ng beef. Waing kodak at tommy na din si jowa. Next time. Chos! And the cheesecake! Winner! Feel na feel ko ang cheese sa cake. Bet na bet ni atashi yon! Visit them. Friendly staff, good food, very nice ambience. Masaya ata tumambay dito habang sumusulat. 

Like them on Facebook Theo's Baked + Brewed and on Instagram theosplaceholder. Click na lang mga beks. Wag na tamad ples. 


No comments:

Post a Comment