NOTA

Sa mga wiz knowings humanash ng beks, gora lang sa Hanashan Page. Chenes ni atashi mga ganap ditis!


Translation? Sigi na nga. Chos! Sa mga di masyadong marunong mag gay speak, pwede naman magrefer sa Hanashan Page. Will update it regularly para naman makarelate kayo sa ganap dito di ba?


Last na, like my page on Facebook, The Beki Whisperer, keri? Keri.


Happy reading!

Monday, July 27, 2015

Beksena: Fat Cousins' Diner

Juskerrrrr..... Puro na laps ginagawa ng Beks ngayon. I feel fat na. Walang exercise, puro laps.  Perfect. Pero, bet Ko tong poster na to sa bagong laps place sa Maginhawa


Oh di ba? May excuse lumaps. Charot! Fat Cousins' Diner sa Maginhawa nag open sila nung July 16. Bakla, winner ang fudang. Yung mga mahilig sa laman, este sa steak, winner ka dito! 

                            


Ang menu. Bow. Echos. Ohhhh di ba? Winner ang presyo. Pasok sa bujei at malaki din ang serving ng laman, este ng steak. 


Wag umarte na maliit ang rice, teh unlimited ang rice. Yung mga pasweet kunwari na nagdidiet, stop stopping me! I'm sure mapapaextra rice ka! Tender yung steak Nila at masarap din ang timpla. At yung gravy juskerrrrr.... Kung unlimited Lang din ang gravy, isasabaw Ko sa rice beks! Pero prim and proper ka dapat. Bawal PG. Kapag geget nga ako ng rice "Kuya, rice please. Ay isa pang scoop. Ay, dagdagan mo pa. Kuya, ako na nga Lang kukuha!" Echos Lang! 


Oh di ba? Ang cute cute ng cup Nila. Bottomless din ang drinks Nila. Kaya masesense mo to sa harap Nila



Wiz Ko pa natry ang milkshake dahil Tom jones si akes pag gogora Kaya puro steak Lang. Chos! At laging jampacked ang utaw! Waiting pa! 



Bukod sa steak, may burger din sila at Hungarian sausage (ohhhhh wag madumi Isip!). Todo na yan, yung apat lang nasa menu. Pero winner naman ang mga fudang. Parang mapapatanong ka "What is sulit?" Echos! Pasok sa banga ang mga fudang at presyo. Winner pa ang interior











Alams na, fly na. Sa mga carnivores jan, check na check to sa inyo. Located at La Residencia Building 114 Maginhawa St. For more paandar, like them on FB Fat Cousins' and follow follow sa IG Fat Cousins' Diner.

Bekiliving: ATC Fishoil

Liempo, lechon, Krispy pata, ayan sarap di ba? Yuhhhhh... Keri mo naman laps lahat pero juskerrrrr ang cholesterol! At hindi yan Basta Basta naaalis sa katawan ha. Shugalog teh! Kala mo Keri na tumakbo ka Mula Manila hanggang Zamboanga para Lang mawala Yung mga nilaps mo Nung pasko, bagong taon, Valentine's, graduation party, birthday mo, birthday ng barkada mo, birthday ng kapitbahay mo? Wizzzzzzz... Kung ang jowa mo madalas mang iwan, ang cholesterol, wizzzz. Chos! 



Photo courtesy of ATC Fish Oil Facebook Page

ATC Fish Oil para sa ekonomiya! Ay chos lang, para pala sa ikagaganda ng health mo. Keme ang bad cholesterol sa ATC Fish Oil dahil winnie cordero ang omega-3 fatty acids nito. Check ang omega-3 fatty acids sa heart mo, ekis ang heart attack at stroke jan. Marami naman sources ng fish oil, hello? Fish, malamang sa isda. Pero mas winner ang salmon at tuna sa omega-3 fatty acids. Pero teh, mahalya mendes ang salmon at ang tuna, pag inaraw araw mo, baka maging si Sailor Mercury ka (chismis kasi sakin mataas ang mercury ng tuna. charot!) Anywhoo, 6 pesos lang to teh! Mas mababa pa sa pamasahe mo araw araw!

Like them on Facebook, ATC Fish Oil para pa sa mga maraming ibang paandar!


Bekiliving: ATC RedoXfat

.
Bet mo ba magpasexy? Malamang! Sino ba wiz bet magka-six pack? Abs teh, wiz yung six pack na beer. Pero juice colored! Sa totoo Lang, ang Sarap lumaps di ba? Ang jirap magpigil, ang daming tukso at ayaw nila ako layuan! Pero ito na, try mo to beks! 


Photo courtesy f=of Google


RedoXfat. Pampabilis ng pagtunaw ng taba. Teh, mawawala na Chanda mo at maachieve na ang sexy badeeeh! Dahil yan sa L-Carnitine na main ingredient ng RedoXfat. Eksena ng L-Carnitine eh pabilisin ang metabolism ng katawan mo. Mabilis mawawala nga taba, magagawa ng energy source, at nababawasan din ang free radicals sa katawan. Oh di ba? Bonggels! 

Nonggels ka Lang nito bago lumaps, check ka na! Pero teh, syempre kelangan din ng konting disiplina no. Baka naman eksena mo, nonggels ka nitis Tapos laps ka ng tatlong kilong bagnet. Hypertension abot mo dun! Wag Ganon! At syempre exercise din dapat para mas pak na pak ang eksena mo! Para sa ekonomiya teh! Bayla na, gora sa suking drugstore (drugstore bakla, wiz durugista ha?) 15 pesoses lang. May pampaload ka nga na trenta, ito kalahati lang, healthy ka pa. Wag na umarte....

Para mas pak pa, gora na sa Facebook page.


Wednesday, July 8, 2015

R-E-S-P-E-C-T

Ngayon lang to. Pagbigyan na. 

Recently, na-legalize na ang same-sex unions in the United States. YEHEY! Celebrate ang mga bakla. Sa US, wiz sa Pinas. Aminin na natin, kahit anong baligtad sa Earth ang gawin natin, hindi accepted ang ganyan sa Pinas. Tolerated, yes, but tolerance is very different from being accepted. Truth is, at the back of my mind, legalization of same-sex unions in the United States is politically driven. Well, karamihan naman nyan, ganyans, sad truth. So same-sex unions are still too far from being accepted by most people. But recently, more and more people are starting to accept us. They are defending us from people who, as they say, are "close-minded" cos hindi nila matanggap na legalization of same-sex unions will not harm them in any way. Ang point nila, corrupted na daw ang morality ng future generations, next na daw ang legalization ng incestuous relationships at human-animal marriage, etc. Point taken. 

But, it doesn't end there. The pro-LGBT will respond, syemps sasagot yung isa. Never-ending na. May point naman both sides. But the thing is, once a person's mind is made up on a certain issue, you won't be able to persuade him into your side, lalo na when it involves religion or morality. Wouldn't it be better if we just let them be? Cos, in the end, we will all resort to name calling, and ridiculing each other. We will say na they are all bigots and all that, pero in the process, aren't we becoming bigots as well? Aren't we discriminating the people against same-sex unions in the process na din? 

Respect begets respect, that's what I always say. Well, most of the time. I may be a bitch, most of the time, but only to people who deserve it. Charot! I am not saying na ang linis ko, napakadalisay, my point is, maybe we should start respecting each other and then, maybe one day, acceptance. 

A day or two after the US proclamation of the legalization of same-sex unions, na-sight ko yung photos sa Brazil gay pride. Naloka ako, tumambling ako ng bonggang bongga na may kandirit pa at pati yung straight kong hair eh kumulot pa. 


Photos courtesy of Google.

Naloka ako dahil ang slogan nila ay "I was born this way, I grew up so I will always be like this: respect me." There's that word again, respect. I was born and raised a Catholic. Well, no longer practicing, but still. I support freedom of expression, hanash ka lang beks, go mo lang. Chika mo lahat ng bet mo, as long as wiz ka nakakaoffend. Yung bida sa Roman Catholic Church pa yung ginawan ng ganyan. I hate to say this pero, at times, we give them the license to disrespect us as well, or worse, hate us. 

Personally, yes, of course I am pro same-sex union. UNION ha, not MARRIAGE. When you say marriage kasi, you can't help but associate it with religion. Cos for me, I am only after the legalities of the relationship. And don't worry, dahil hindi ko din pipilit na magpakasal sa Church. As long as recognized lang ng government yung benefits, like tax exemption (ASA? CHAROT!), separation of assets (just in case, yknerrrr), and other shit, check na ako dun. That is my idea of EQUALITY. Kung itakwil ako ng Catholic Church (feeling importante. BIG TIME!), fine. Choice nila yun, I respect their decision. Simple lang di ba? RESPECT. If other people still look down on you cos you're gay and maoffend ka, say your piece, but don't force yourself on them. Sayang lang effort, dahil wiz mo na mababago pag iisip nila, instead, learn from it. Be a better person by showing them that you are still worthy of their respect inspite of what they did. 

OKAY.... tama na. Back to regular programming na. CHOS! Pero alam nyo naman kasi, si Beks, pro world peace kaya may ganitong paandar. Yun lang.