NOTA

Sa mga wiz knowings humanash ng beks, gora lang sa Hanashan Page. Chenes ni atashi mga ganap ditis!


Translation? Sigi na nga. Chos! Sa mga di masyadong marunong mag gay speak, pwede naman magrefer sa Hanashan Page. Will update it regularly para naman makarelate kayo sa ganap dito di ba?


Last na, like my page on Facebook, The Beki Whisperer, keri? Keri.


Happy reading!

Friday, June 26, 2015

Enervon Activ We Got Your Bike Promo

I knurrr! Shupos na ang beach season, pero wiz excuse yan para hindi ka na maging healthy. Tama?? Akis sa totoo lang, bet na bet ko man na lumabas ang abs ko, eh ayaw pa nya talaga. Di pa daw time. Baka daw maging masyado na akong desirable, di ko na kayo mapansin. Charot! 

Sa totoo lang, hindi mo kelangan ng abs para maging healthy. Pero dahil nga sa paborta si Beks, sabi ko, why not try natin ang eksena nitong Enervon na to. More more stamina, more more treadmill at energy pag magbubuhat ka di ba? Dami mong mahuhugot na energy! Pero ang mas panalo kasi dun, nagiging healthy ka na dahil sa vitamins na keme din sa Enervon Activ, Winnie Cordero ka pa ng bike. Oh bet mo? 



Itis ang mga pwede mo ma-Winnie Cordero pag ikaw ang grand winner! 



Pero syempre, kung wiz ka nanalo sa grand draw, may mga consolation prizes naman. Mga GCs from Runnr, Skechers, Tobys, at mga Fitness packages. Oh, Miss U na Miss U di ba? May runners-up! Charot!

Gagawin mo lang, bayla ka ng 10 Enervon Activ capsules sa iyong suking drugstore. Keri lang sa Mercury, Watson, South Star, ganon. 


Di ko nasabi kay ate dapat candid. Makasmile kaming dalawa tuloy. Charot!


Tapos take a picture ng receipt kung oldskul ka at bet mo scanner, keri lang din naman. Walang pumipigil beks. Pero kung kunwari, 200 capsules binili mo, wag mo na pahirapan si ate sa kaha at ipahati hati ang resibo into 10! Automatic na yan. Hahatiin na yung entries mo. 


Oh di ba? Inception levels. Picture in picture. 

Tapos email mo sa enervonactiv@activehealth.com.ph yung resibo at syempre lalagay mo namesung mo, address, contact number, birthday, gender, at civil status.



Pag nasend mo na, wait ka ng mga 48 hours para sa e-mail confirmation. 48 hours lang teh hindi 48 years. Bigyan mo naman ng chance na mahati nila yung entries lalo na kung 200 capsules yung binili mo. Ganitis yung itsura ng email receipt.




Oh di ba? Ang dali lang. Ang grand prize ay 100,000 pesoses worth of bike or gear from Light 'N Up at 20k worth of Zoot products. Madali ka teh, promo period ay June 15-October 15 lamang. Oh di ba? Healthy ka na, pwede ka pa manalo ng mga sports gear! Arti ka pa? I'm shor, ketay mo may camera at may email ka naman. 10 tablets lang, pwede ka na manalo ng bike di ba? Every corner, every hour din eksena ng Mercury Drug di ba, parang 7-11 lang. Charot! 

Like mo na on FB Unilab Active Health  for more details at mga paandar sa mga run nila at gora lang sa website nila http://unilabactivehealth.com/ for more health tips. More healthy, more fun! 


Tuesday, June 23, 2015

Zalora Digital Pop-up Store

Knows natin lahat ang Zalora ay online store. Ganitis lang eksena. Sight, click, order, waiting galore sa delivery at yun na! Payola at gora na ang product. Pero, haggard kung wiz kasya yung binayla mo di ba? Dahil jan....






YIZ. Zalora Pop-up Store. Ang unang unang digital pop up store sa Pinas! Jinuksan Nung June 17. Pwede mo na makita ang bet mo baylahin, pwede mo masukat, pwede ka na mamili. Pero pag josok ni Akems sa store, Sabi Ko, pano ka magpapayola? At na-sight Ko itis


Itis ang check-out counter nila. Hi-tech? Yasssss. Kasi ganitis ang eksena. Pag josok mo sa store, mapapansin mo ang sangkaterbang PCs at tablets na pwede mo gamitin pang order ng mabetan mo. Pwede mo na din isukat yung mga items at makapili ng bet mo na stock. Pag tapos nun, click click ka sa website para sa order mo at waiting galore na lang sa delivery. COD naman ang eksena ditis. Walang hassle sa pag payola sa store, wala din hassle na dala mo yung hinakot mo na dresseses kapag bet mo pa umikot sa mall! 

Pero kelangan syempre may Zalora account ka. Teh, andali Lang gumawa ha lalo na kug May FB ka naman, gora na yan. Hanapin mo lang yung link na "Account" tapos may option dun na link sa Facebook account mo. Gora na yon! 






Sample pa Lang yan ng mga pwede mo mabayla! Kapag wiz mo na sight at bet mo, Keri naman gamitin ang mga tablets at pc dun para umorder. Wag ka na magmaganda at magfacebook dun ples Lang! Gawin mo na Lang yun while waiting sa order mo na dumating sa baler nyo Tapos I'm shor bet na bet mo din mag selfie at upload kagad while suot ang binayla mo. Chos!

Anywhoo, the Zalora Pop-Up Store is located in Shangri-la Plaza Mall, sa 5th floor Main Wing. Kung galing ka MRTams na gaya ko, pag josok sa connecting chenes ng mrt at Shang, diretso ka lang. Yun na yun! Madali ka beks, dahil hanggang September lang ang store. Limited ang time kaya i-sense mo na ang kaganapan dun if I were you!


Like them on FB, ZaloraPH; follow them on IG, Zalora Philippines; at ang bonggang bonggang Twitter, Zalora. Want to shop online? Go to www.zalora.com.ph at sense mo dun mga kaganapan!




Monday, June 15, 2015

The Tannery Manila Pop-Up Sale

Beki + Bag? Go na go tayo jan. Beki + Leather? Check din yan (Wag madumi isip!). Kung bet na bet mo ang mga leather goods, winner tong The Tannery Manila para sayo beks! From maliliit (wallet, coin purse), to medium (hand bags, sling bags, shoulder bags), to large bags (tote bags at overnight bags) made of leather, meron ditis! 



Sinimulan ng mga Hermosos ang pag gawa ng mga leather products nung 1901 pa at kinarir ng bongga ang tanning process para mas maging winner ang mga leather products na mababayla ng mga customers nila. Masight mo naman sa mga bagels at wallets nila ang pagkarir nila na to.


Keri din nila magpersonalize ng mga bet mo na leather stuff. Syemps, kelangan muna nila ng specs like design (kung may peg ka, checkan nila yan!), kung may monogram, at kung anong lining. Then, give it 3-4 weeks para gawin yung request. Mostly, cow leather ang gamit nila, pero kung Rica Peralejo ka, at keri mo maafford ang ibang type of leather, keri lamang. Pero, tried and tested na kasi nila ang cow leather kaya recommended nila itis. Para sa quotation ng presyo, depende lahat yan sa design at leather na gagamitin, kaya pwede ka fly sa store nila or email mo lang. 



Kung may bagegang ka na, at gusto mo lang na pangalandakan sa world na "AKIN TO! WALANG AAGAW!" pwede din naman. Nag eemboss din sila sa mga bag. Kung gusto mo palagay buong pangalan mo, why not! Para di maget ng ibang tao sa airport kapag magfly ka di ba? Kung bet mo initials mo lang, keri lang din. Starts at 200 pesos ang pagpapaemboss, depende kung gano kahaba pangalan mo teh! Ditis, mga 7 days ang waiting time. Di na masama di ba? 



Syempre, dahil nga maselan ang leather, meron din sila ditis nung leather care solutions. Spray spray ka lang sa bagegang mo para mamaintain ang kagandahan ng binayla mo na bagels sa kanila. Ang award ditis? May limited warranty ang mga bagels na mabayla mo sa kanila. Syemps, yung normal wear and tear lang and for one year lang. Pag commuter ka at naslash bagels mo, keri pa din naman na marepair pero may fee, na depende din sa damage. 




Kaya, gora na sa event ng The Tannery Manila sa Tiendesitas sa June 20-21. Wag ka na umarte, up to 60% off ang mga leather goods nila. At alam mo yan, aside from ohms, bet na bet ng mga beks ang mga sale! 



Para masense mo mga bagong paandar at mga products, like them on Facebook, Tannery or follow them on IG, The Tannery Manila. For online shopping, gora sa website na www.thetannerymanila.com. For queries regarding embossing, alteration, and made to order bags you can email them via TheTanneryManila@gmail.com or contact 0917-5964013 and 7069459.

Friday, June 5, 2015

Petsa de Peligro

I knerrrr. Ang aga pa pero teh, nasa petsa de peligro na agad ako! A.K.A. time na ubos na ang welding at inaabangan na ang susunod na welding. Ate, 10 days pa ata! San ba kasi dinala ang okani??? Sikreto. Chos! Pero, ito lang tips ni akems para sa mga nanganganib na din mabasag ang piggy bank. 

1. Kapag jojosok ka sa shubahar at MRTams naman eksena mo, buyla na ng stored value. para sakay ka lang ng sakay, pero waing payola masyado. Pag welding, magimbak ka na ng card teh! Para di mo na iisipin jomasai mo pag wai ka na okani. Pero pag jipany or bus ka, ay tegi ka jan. Ganitis gawin mo, payola ka ng minimum fare tapos orlogs ka. Dapat talent mo yung sesense mo paligid mo ng wiz napapansin na bumubuka mata mo. Yung gahibla lang ng buhok ang opening pero sight mo kung nasanchina ka na. Tapos pag malapit ka na, magbest actress ka na "@*&#^*%^%@ LAGPAS NA AKO! MAMA PARA!" OHHHHHH... Di ba? Malas mo lang pag natapat ka sa konduktor ng bus na natatandaan ka. Yung nanggigising pa pag alam na lagpas ka na. 


2. Naexperience mo na din ba na mag aya mga friends mo tapos wai ka okani? Tapos sa shala na kainan pa mapapa-syet ka na lang deep inside dahil wai ka okani pero dahil sa spirit ng pakikisama kelangan mo jumoin pero wiz mo bet aminin sa friends mo na okani nai ka. Ganitis gawin metch. Order ka lang. Laps ka lang. Tapos pag payola moments na, at naglalabasan na sila ng okani, volunteer ka, "ay ako na, gamitin natin card ko" Kaskas mo na yan, tapos getlak mo contribution nila. Nakapayola na kayo, may cash ka pa. Payola mo na lang yung card pag welding mo na. Pero siguruhin mo na next year na mauulit get together nyo dahil pag lather-rinse-repeat eksena mo teh, mamumulubi ka sa finance charge ng card mo. CHOS!

3. Pag may sapat ka namang pera, pero bet mo na yung kakainin mo eh good for the day na, itis ang tip ko. Fly ka ng Cravings. Yes, teh. Pricey itis, pero ganitis ang technique. Order ka ng entree nila, pag ginawa mo yan, may unli salad ka. Tapos puro salad laps mo teh pag andun ka. Oh di ba? Healthy na, nakatipid ka pa! Pag bundat ka na sa gulay, to-go mo na yung inorder mo. May dinner ka na di ba??? Wag mo lang araw arawin ha. Makakahalata ang mga waiter. Pero kung desperada ka, ibaibahin mo naman ng branch.

4. Pag pulubi ka na at single ka, pwede mo gawin itis. Makipag date ka! Mag install ka ng Tinder, Grindr, Jackd, at kung ano anong paandar na dating app. Tapos chat chat ka lang. Ang sikreto, wag sayo manggagaling ang invite! Hayaan mo sila mag aya. Dahil ang nag aaya ng date, sya ang nagpapayola! Oh kapag inaya ka na, pakipot ka muna konti. Konti lang teh! Wag ka masyado pa-hard to get. Kala mo naman kagandahan ka para pilitin ka ng bongga. Wag ganon! Wala ka dinner. Sige ka. Charot!

5. Kapag majinits, lalo na ngayon, summer na. Juice kerr, lahat ng pores mo maglalabas ng pawis! NAKAKALOKA! Kung bet mo magpalamig, gumora ka na lang ng mall. Libre aircon. Hanapin mo yung pinakamalamig na lugar na may upuan. Kung ako sayo, closed pa lang, gumora ka na para mauna ka. Maraming gumagawa nito teh, unahan ng pwesto to! Or kung nakacondo ka pero nagtitipid ka dahil ang kuryente mo eh inaabot ng 10 kyok per month, para makatipid, magpunta sa common area. Tutal binabayaran mo din ang kuryente dun, tambay tambay na at magpalamig dahil buong araw air con dun!

Aminin, ang brilliant ng mga ideas ko para makatipid during petsa de peligro di ba? If i knerrrr, ginagawa nyo yung iba jan. Wag na mahiya, maging mashupal ang fes. Maging praktikal mga teh! 



Tuesday, June 2, 2015

Let it go! Let it go!

Naloka ang lahat ng nagpose ang lola Bruce nyo sa Vanity Fair bilang si...



Maski si atashi, nalorki! Pagjosok ko ng shubahar, shumulak ang Twitter ko "Kemerut and 46 others followed caitlyn_jenner" Sabi ni atashi "CYNTHIA PATAG???" At ayun nga, sya na yun. Ang bagong hitad sa Keeping up with the Kardashians. Pero in fair, winner ang transformation ng lola.




Winner ang bubelyas! Pero may napansin ako parang kafes nya si...


Photos from Google



Oh aminin, maganda naman ang Caitlyn. At ang ate Idina, icon na din yan ng mga dingga. Feeling ko nga sinunod lang ni Caitlyn ang advice ni ate Idina "Let it go! Let it go!"

Oh ayan ang sinasabi ko, kapag may bet gawin, go lang ng go! Let it go! Don't hold back! isa lang ang buhay mo teh, kaya wag sayangin sa mga "what if" at "what might have been." Push lang ng push!