NOTA

Sa mga wiz knowings humanash ng beks, gora lang sa Hanashan Page. Chenes ni atashi mga ganap ditis!


Translation? Sigi na nga. Chos! Sa mga di masyadong marunong mag gay speak, pwede naman magrefer sa Hanashan Page. Will update it regularly para naman makarelate kayo sa ganap dito di ba?


Last na, like my page on Facebook, The Beki Whisperer, keri? Keri.


Happy reading!

Sunday, April 26, 2015

Beksena: Friuli Trattoria

Ohhhh..... may kasunod yung Beksena series natin di ba? Winner! Charot! Ang totoo, ngayon lang ulit nagkaoras kumain sa Maginhawa. (Sawa na sa kakamilk tea! Hahahah!) Pero yung truts lang, bet na bet na ni atashi itry nuon pa ang Friuli kasi winner daw don na mukha naman, dahil laging blockbuster ang pila sa labas. Daming waiting! (Oiiii, hindi pa sawa mag intay. Charot!) Anywhoo.... Lunch kami ni jowa dito nung Sunday at buti nakajosok kagad kami dahil nga waiting na yung kasunod namin! Award! 


Mozarella sticks ang appetizer. Hmmm... keri naman sya. Medyo flat lang yung sauce. Good idea yung spicy para may kick ng konti but medyo kulang ata sa tomato? 


Angel Hair Puttanesca. Agree naman kami ni jowa, medyo malansa, medyo lang naman. Oi wag umarte, hindi dahil sa malansa kami no! Charot! Hanash ko, baka sa seafood broth niluto ang noodles? CHAROT! Feeling chef si bading!
  

Ang last, ang pinakabet ko! Yung Tre Formaggi pizza. Bet na bet ko talaga yung super crispy yung crust tapos medyo burnt pa sya. Winner yon! Pero mas bet ko sana kung mas dadagdagan yung blue cheese. Pero overall, check to. AZ IN!


Di ko mashadow nakodakan yung interior, punong puno kasi. Moisture si akems. Chos! Hahahaha! Overall, ok naman yung experience. Baka mashado lang maarte si akems sa fudang kaya ganon ang sense ko sa fudang nila. Charot! Ayyyy isa lang pala comment ni jowa, ekis yung spiral staircase paakyat! HAGGARDO VERSOZA! Kenat be ang senior citizens!

Like them on Facebook and IG for more ganap. Click ka lang beks, konting effort lang yan. Charot! 

Beksena: Dorissimo

Oh di ba? May ganyang ganap, may series na si bading! Since madalas nasa Maginhawa, Teachers Village si akems, eksenahan natin ang mga lafangan dunchi! At ito ang una sa series natin



Unang sight ni akems, akala ko coffee shop lang pero wit! Dami din sila fudang ha! Sabi ko di ako lalaps nung andito kami pero napaorder din ako dahil masarap sya!

Arroz ala Cubana

Oh, wit lumalaps si akems ng ala Cubana kasi laging dry at di ko bet yung pagkakaluto ng ground beef. Ito, check na check! Parang ako lang nagluto. Charot! But seryoso, winner to. Yung dessert, Brown Brazo made of coconut sugar. Panalo to beks! Kung ako sayo, wa kems, half roll getlakin mo! Bitin ang slice! Di ko lang nakodakan at may excited kumain. Pag balik ko, half na yung brazo. 

Ito naman interior nila, so cozy. Yesssss, kumocozy si bading!







                                 

                                 

Pero ang mas bet ko dito sa Dorissimo, si Tita Em! Winner sya magentertain ng guests! Friend sya ni Tita Doris, the owner.

Tita Em with Ben

Pramis! Masarap kausap si Tita Em and according to her, Tita Doris is just like her. Kaya babalik kami para makachika din siya!


Dorissimo is located at 122 Maginhawa Street, Teachers Village, QC. Like them on Facebook, follow them on Twitter and IG at kung ano pang paandar na social media!


Nga pala mga beks, may FB page na din si bading! Click mo lang to The Beki Whisperer, check na yan! Like me, love me, follow me. Marami din akong paandar sa social media! 

Friday, April 24, 2015

Kulay Kulay

LKapag nagpupunta ka ng salon, ano ba usually pinapagawa nyo? Ang atashi, gupit lang talaga. Wiz pa ko nakaexperience ng mani-pedi, kolorete sa hair, akis lang. Effort yun teh! Nakakakulani ng kili-kili magkulay mag isa!

Pero sa kadahilanang si atashi, everyday na ginawa ni Lord nasa salon, bet na bet ni atashi magpa granny hair or blue or green or lilac ganon! Kebs kung mategi ang hair ko, basta maachieve ko lang ang bet ko na color!

Juice colored!! Dumating na ang oras ko! Charot! One time, walang customer sa salon, sabi ko "Mga bakla, kulayan nyo ko. Gusto ko ng granny hair!" Effort to mga beks! Bleach ng twice dahil sarado na kami di pa tapos! Pero, ok sya. Natuwa ako sa stylist namin. 

Eto oh!


Oh, again, dedma na kung may pagkahubadera si atashi! Nalerki ang mga utaw sa shubahar! Yung isa, akala si Storm daw, yung boss namin client daw ako (shet, sana pala inutusan ko. Charot lang! Peace tayo boss. Ahihihihih), yung isa winner. Targaryen daw ako, sabi ko nga "Hay nako, ayoko nyan. Call me Khaleesi!" CHOS!

So after a few days, nabagot si atashi. Again! Sabi na ng mga bading, patungan daw ulit ang hair ko. Bleach another tapos ash na. Ay nako, madali kausap ang akems! Elemeyen! Loka sya, dahil naging violet daw! Loob ko "shet, anong violet kaya ito." 

So ito yon!


HOMAYGAD!!!!! ETO YUN EH! ETO TALAGA BET KO! Yung purple na blue na ash! Sabi ni bakla, maglilighten pa daw to, pero dedma kahit hindi na! Bet mo ba na yung mga stranger eh lalapitan at sasabihan ka na bagay hair mo sayo at like din nila? SHET!!! Parang artista lang. Ay ayaw ko pala mag artista, baka machismis ako na naman na straight ako. CHAROT!

Thursday, April 23, 2015

#CommuterProblems Part 2

Oh di ba????? May part 2! (Eto yung part 1) Feeling Ko Kasi may Hindi ako nacover. Kawawa naman daw Sila. Nagaklas Kasi Sila at may banta ng EDSA Revolution 4! Oh sige na. Ito na daw Sila

The Sadako

Si ate feel na feel ang hairlalu blowing in the wind. Dedma sya kung parang latigo na humahampas sa fes mo yung hurr nya. Basta ang alam nya, free flowing ang hair nya. Akala nya ata eh silky smooth ang hair nya. Teh, masakit sa fes! Pramis! Tapos pupunta pa sa mata Ko! Sarap Lang hatakin ng matauhan eh. Kung pwede ples, hawiin mo naman hurr mo kung wit mo bet itali dahil sayang pinangpayola sa parlor pang rebond. 

The Make-Up Artist

Yeah, usually mga sales ladies ng department store tong mga to. Oi, aminin! Talent yan! Mag lalagay muk ap sa MRTams or sa jipney spears? Award di ba! Buong byahe, tapos ang make up at PANTAY! Ang ka-Inez Veneracion, yung mga wai training na pang sales ladies. Sa powder, ate magcompact ka na Lang. Yung loose powder mo Kasi, dinadaig yung powers ni Elsa. Yung black shirt Ko, parang may snow! Tapos magkaamoy na kami ni ate pano pati ako, damay sa spray nya. Keri lang kung D&G Light Blue yan, but nooooooo.... Yung nakakadyabetes na Victoria's Secret. Charot!

The Sleeping Beauty

Sortakindalikeparangmedyomaypagka The Feeling Close din to but worse. Yung mga umoorlogs sa bus or jipany lalo na yung mga pa uwi ng QC from Makati ng mga 6 pm (Oh aminin! Carmageddon yon!) Tapos yung makasandal sayo parang mag jowa kayo. Oh di ba? Winner! Panalo pa jan Kung TL si Kuya (Tulo Laway. Hahahahahhaha) O kaya naman combi pa na naghihilik na parang may orchestra. Deds ka na sa iPod mo teh! Mas dinig mo hilik ni kuya dahil nakatapat sa tenga metch!

The Barker

Lahat tayo Bernadette sa barker di ba? Push natin Kuya na maging 10, kahit na may kalakihan ang mga pasahero. Ito, makikigatong pa. May Hanash pa na "oh kasya pa Isa, usog ka dun" at ang winner na linya ni Kuya sa mrt "animan dapat yan eh. Di Kasi umayos ng upo." Koya, di naman to jipany na wiz gogora pag wiz sardinas ang peg! Kalalaking tao daming Hanash! Wirizma din naman sa pagpayola ang wrangler sa kanya para shumowag ng mga pasahero!


Oh, keri na daw. Naisama na daw sila ni Beks. Di na sila tampo, uiiii. Bati na kami. Chos!

Tuesday, April 21, 2015

Malansa

Nagchihcikahan kami minsan ni K (ang aking Photoshop expert. Charot!) about life, pagiging maganda ko, chos! At napunta sa mga junakis nya usapan.

K: Bading, si SINGKIT (her youngest) natuto ng bagong word. Marunong na mag "Che"
Beks: Gujab ka sa pagpapalaki ng junakis mo. Gusto ko yan. Yan yung tamang pagpapalaki ng junakis eh. 
K: Yung inaanak mo naman (eldest nya) nagpunta daw minsan sa sapa (on vacation ang mga bagets wag umarte! bet nila maging close kay Mother Earth.) tapos nakahuli ng malaking tilapia.
Beks: NAKAKALOKA! Bata pa Anak mo nakakahuli na ng malansa! Sabihin mo, maganda yan para pag laki nya, madifferentiate na nya ang malansa sa Hindi. 
K: Bakla ka! PI ka! Ang bata pa non!
Beks: Ay nako teh, kelangan train mo na ngayon pa Lang! Iwas heartbreak beks!
K: Che! Di yun yon! Di pa ako ready! Baka atakihin ako sa Puso. Ayoko pa isipin yan! Baka nasa lapida ko, 32 lang age ko, juice colored!


Ayun pala yon. Hindi pa ready si bading na isipin na magkajowa ang junakis. Akala ko ayaw nya turuan umamoy ng malansa ang bagets. Sino ba naman may gusto na maging beard. Ehhhhh sa nasisight ni atashi ngayon, daming merla na barado ata ilong. Wit marunong umamoy ng malansa! Kaya, alams na ha? Talasan pang-amoy, damihin ang matres ng jowa mo, at check mo phone baka mamya may Grindr yan! Charot!

Sunday, April 19, 2015

I-Trend mo yan Beks!

Ang aga pa pero ang dami nang mga hanash na bonggels sa madla. Talaga namang lahat ng mga beks, may input. Ayaw paawat, ayaw patalo! Katulad nito:

The Dress

                                       


White and gold or blue and black? Daming hanash dito, pati mga TV shows sa States, nakiride sa fame ng dress na to. Pero basta ako, blue and black ang aabutin ng magdidiscuss ulit nito sakin.


Sunod si Maggie Wilson and the "yaya meal"



Na sinagot ni CEO ng ganito



Pansin ko lang, si Kuya CEO eh kung makapagdiin nung "yaya" kalerks lang. MEMA ata si bakla. 


Ito, medyo fresh pa, pero nadadama ni atashi na sisikat tong si Cheryl.


Hay nako, nastress ako kakasolve nito ha! Sabi nga ng mga utaw, isa lang ang malinaw, makyondi si baklang Cheryl. Charot!

Pero, Ito. Ito ang pinaka bongga sa lahat! Ito yung pinaka achieve sa lahat!

                  

Ang Ganda ni Bakla! Ang saya talaga mag mahal. Lalo na pag proud sayo jowa mo. Di ba???? Si Naparuj Mond Kaendi at Thorsten Mid daw itis. Ako, F na F ko ang love nila sa isat Isa. Kayo ba? 


Ay nako, ihanash na ang mga gusto mag-trend. Maaga pa. Kalahati pa lang ng 2015, keri nyo yan. Mabilis na balita ngayon. May super powers na yan. Parang si Flash. Ganong kabilis girl!


Photos from Google

Tuesday, April 14, 2015

Makati, Minsan Lugar, Minsan Ikaw


Photo from Google.


Yiz. Grindr. Ang location-based dating app na sabi ni Wikipedia ay "geared towards gay, bisexual, and bi-curious men" oh eh di sila na ang "curious" lang. Echos! Wag na umarte, Amin na. Gumamit ka nito Kahit merla ka, ginamit mo pa picture ng ex mo makaganti ka Lang! At aminin din, maraming nakaka-Inez Veneracion na users dito! Share ni atashi ang encountered pasaway beks.



1. Yung mga gumagamit ng walang kamatayan na "sup?" Nakailan ako Nyan Nung gumagamit pa Ko nito. Wala na ba ibang opening spiel? Pwede naman "c2c?" Chos! 

2. Yung mga madaming rules "no to effem, no to chubs, no to drama queens, no to twinks, no to PnP, no to hook up, no to everything" eh kung tumakbo ka na lang kaya na Senator kung ang dami mong rules and regulations.

3. Yung mga beks na naglalagay ng sked ng lakad sa profile. Kuya, sa calendar dapat nilalagay yan hindi sa Grindr. Kebs naman namin kung nasa Timbuktu ka sa April 1.

4. Yung mga beks na magpapadala ng picture ng keme nila. Agad agad kuya? Kahit hi or hello, wala, yan kagad? Pwedeng face pic muna?

5. Ok fine. Minsan may mga matino kausap, tapos hihingan mo ng picture tapos sesend sayo yung may sunglasses, naka Camera 360, or worse group pic. Manghuhula ba ako para malaman ko kung sino ja jan???

Oh, alam nyo na? Try nyo lang minsan wag maging ganyan mga beks. Kahit naman alam nating lahat na pag dating sa app na to eh, inuugali nyo ang Makati. Pero para sa ikatatahimik ng beki world, ayos konti. Charot! Alam nyo naman si Beks, world peace ang hanap. ECHOS!



 



Monday, April 13, 2015

Si Sean! Si Sean!

Si Beks! Fumafashion! Chos! Dahil sa may pagkakaladakarin nga ako, fly kami ng mga friends sa SMX Nung Saturday sa Penshoppe Denim Lab Fashion Show. Andun daw Kasi si Sean O'Pry. Sabi Ko, Cynthia? Ito daw sya


Ohhhhhhhh... Kaya alam mo na bakit nakaladakad ako ng Ganon Ganon Lang. Pero totoo, Madali ako Kausap. Charot! Oi, wag ka. First fashion show Ko to (pathetic Lang ni beks) kaya Medyo wiz Ko knows ang ganap. Balak Ko mag outfit ng bongga Kaso baka Sabihin bakit ako naka upo, eh dapat rumarampage ako. Chos! 





Oh di ba? Galing ko kumuha? Talent ko talaga photography eh. 



Si Kuya Sean yan, wag ka na lang umarte. Edit mo na lang yung lighting, napaka receptive kasi ng camera sa phone ko pag dating sa ilaw. 





Ito, yes likod lang ni kuya kinunan ko kasi yung pants talaga bet ko. Si kuya, natsomats.





Photos grabbed from Beks Reign.



May after party Sila sa Raven sa BGC (ohhhhh shala! Open bar pa! Halatang PG sa alak!) It was fun. Perstaym sa fashion show, at nakapag bar ulit. And I got this tote bag at another pechur ni Sean to boot! 




Pero ito, may natutunan si atashi sa experience ko dito. Bakla, matutong magcharge or magdala ng power bank dahil kung hindi, magagaya ka sakin na kung kelan kasarapan ng show, biglang matetegi ang ketay mo. Berna!

Friday, April 10, 2015

Headsets

Eto yun eh. Eto na yung may kasalanan nung ganap sa post ni Donna Cruz eh. So dahil nga ang tenga ni atashi eh nangangain ng headsets, naisipan ko bumili ng cheapangga na bluetooth headsets. At ito yon


Oh di ba? Keribels naman. Syempre dahil bluetooth, may charger.


Pero ito ka, may napansin ako sa charger. Ito nakasulat. 


Eh teka, di ba yung brand nung headsets, Samsung? 


Anyare? Bibili na nga ako ng mas matino dito. Ang cheapskate kasi! 

Tuesday, April 7, 2015

Extreme make-over Chair Salon edition

Award!!!!! Natapos na ang renovation ng salon! Natuwa kami ha. Pwede na tulugan. Charot! Yung Gardo Versoza Kasi, porke ginagabi kami dun tinanong si Akems "Ser, ginagabi tayo jan ah. Jan na ba kayo matutulog?" Kuya, salon to, Mukha Lang Bahay, pero salon. You know, kulayan ng hair? Manicure? Pedicure? Ganon. May bed jan pero massage bed yun oi. Kaloka. Anywhoo, ang new look ng salon! Hihihihih




Sabi ni contractor "Oh di ba? Wala ng wires!" OK fine! Magaling ka na. Chos! Pero oi, magaling si kuya. Pramis. Kunin nyo services nya. Hihihihi


Waiting Area. Oh may bato-bato pa di ba? Pag may batang matigas ang ulo, pwede pamukpok. Hahahahahaha!


Reception. Ehhh ito medyo may kulang pa. Pero check na din di ba? 


Bet na bet ko talaga yung salamin!


Make-up area. Malunod ka sa ilaw! 

Oh di ba? Natuwa kami. Kaya Siguro Naisip Nung Gardo na baka dito kami matutulog Kasi ginawa na namin itsurang Bahay. Charot! Pero sa totoo Lang, natuwa ako sa salamin Tsaka sa flooring. Galing galing nung gumawa Nyan. 6 days Lang. Pinressure Kasi ni jowa. Secret Lang yon ha. Hahahahaha! Gusto ko man iplug kung sino yung gumawa, ayoko. Baka gayahin nyo. Chos! 




Chair Salon is located at Unit 101 Sterten Place Condominium, 116 Maginhawa St. Teacher's Village, QC. Visit na. Dali na. Kakaganda nyo yan! 








Sunday, April 5, 2015

Ispeysyal

P
Naalala Ko Nung bata ako napansin Ko karamihan sa mga menu ng Pinoy na Kainan may mga special chuchu. At yung mga special na Ito, eh may itlog na pula. Oh di ba??? Pasok sa Easter! Charot! Example:




Bibingka

Image result for bibingka

Siopao Bola-Bola


Puto




Nuon ko pa tinatanong yan sa sarili ko eh. Dahil ba naeenhance ang lasa kapag may itlog na pula? Yung itsura ng pagkain? Hanggang ngayon hindi ko pa din alam eh. Pero pano kaya kung ang mga international levels na fudang eh may ganyang version di ba? Special with itlog na pula? Ganitis?



Frapuccino with salted egg on top. Oh di ba? Nauuso naman ang salted caramel chuchu ngayon. Why not salted egg caramel frapuccino?


Foie gras with salted egg on the side. Oh ha! Sushal!


Grilled steak with salted egg and tomatoes. Oh special na ang steak mas special pa ngayon with itlog na pula! Pero Ito pinaka yummy oh


Parang kinamot lang. Charot! Ang Bastos nyo! Grabe! Buti na Lang Tapos na mahal na Araw! Kayo, nagkakasala kagad kayo!



Images from Google. Photoshop by K. Oh di ba??? May taga Photoshop si bading!