NOTA

Sa mga wiz knowings humanash ng beks, gora lang sa Hanashan Page. Chenes ni atashi mga ganap ditis!


Translation? Sigi na nga. Chos! Sa mga di masyadong marunong mag gay speak, pwede naman magrefer sa Hanashan Page. Will update it regularly para naman makarelate kayo sa ganap dito di ba?


Last na, like my page on Facebook, The Beki Whisperer, keri? Keri.


Happy reading!

Tuesday, March 31, 2015

Elevator Etiquette

Elevators. Convenient, right? Pero may mga nakakaasar pa din na mga gumagamit. Inez Veneracion di ba? Daming paandar ng iba na di check lalo na pag malalate ka na pagpasok sa work or kung naeerna ka na at nasa 40th floor ka pa ng condo. Eto na!!!!

Kung aakyat, press up. Kung baba, press down. Simple di ba? Hindi sa iba. Ewan kung Anong ganap at kelangan pindutin parehas. Bibilis ba andar ng elevator kapag pinindot mo parehas? Wit!!! 

Kapag may lalabas, paunahin na. Yes, I get it. Nag mamadali ka. Pero naman. Sana palabasin mo Muna yung mga nasa loob di ba? Hindi naman bibilis takbo ng Oras pag nasa loob ka na ng elevator. 

Second floor? Elevator tayis! Ayan tayo eh. Sabihin natin healthy living chuchu. Pero second floor ka Lang, elevator pa? Dagdagan natin words sa dictionary ng "stairs." Minsan, healthy din yan. Mas matagal pa aantayin mo kung galing pa 10th floor yung elevator kesa magstairs ka. Pramis! Ilang calories din maburn mo sa stairs. 

More chika, more fun. Keri Lang naman na hinaan ang boses kapag mag usap di ba? Lalo na kapag Medyo private. May ibang tao, y'knerr. Lalo na kung sex life mo usapan. Kalerks. 

Matutong lumugar. Kung ayaw maging operator, wag tatayo sa Harap ng buttons. Medyo mahirap din Kasi pumindot ng floor mo kung nakaharang ka dyan di ba? Tapos ikaw din pala huling lalabas. Ekis yon teh. 

Magpigil. Kung pwede Lang naman. Kung ayaw mo, pwede pigilan mo pa din? Kasi minsan yung mga biological processes mo, may di kanais nais na result. Kung anjan na si Tootsie Guevarra, pigil ng Konti ples. Kung maladragon ka dumighay at kumain ka pa ng longganisa for dinner, pigilan din ples. Medyo yakkadiri eh. (YES! May Hugot to!)

Oh alam mo na? I'm shor, di Lang ako may ganyang issues. Share mo yan! Hinihihi. 


Sunday, March 29, 2015

Chismis ng chismis!

Taas kamay ng nagawan na ng chismis sa work! Unang una ako jan! Well, di naman maiiwasan yon. Lalo na kung maganda ka. Chos! Kahit san naman nachichismis ka. You can't please everybody naman kasi kaya wag ka pakabayani, wala na bujei para magtayo ng monumento mo teh!

Anywhoo, minsan ang chismis, wit nakakimbey, maloloka ka na lang talaga sa kakatawa dahil nakakaloka talaga anong basis nila.
Exhibit 1: Nagwork ako sa isang cake company nuong bagets pa ako (Walang aangal!). Sinabi ko naman sa kanila na badet si akems pero hanash nila, kenet be sa production area kaya dapat pepper ka kapag rarampage ka sa floor. So keri na no. One time, kinausap ako ng manager ko. May kumakalat daw na chismis tungkol sakin. Shet! Nacurious ako!
Manager: Beks, may kumakalat na chismis tungkol sayo.
Me: Sir, ano daw po meron?
Manager: Bading ka daw.
Ay shet lang. Akala ko chismis tungkol sakin nagnanakaw ako ng cake at pinangmimiryenda ko or pumapapak ako ng icing kapag bumababa sugar ko, pero di ko inaakala na yan yon! Sa lahat talaga ng chismis tungkol sakin, ito yung pinakatumagos eh! Alam mo yon? Sakit eh.
Exhibit 2: Nung nasa call center pa ako, nachismis din ako sa client namin. Yes, ganong level. Client. Ewan ko din ba kung anong ganap. Feeling ko naman straight ang lolo mo. Pero medyo may nadadama nga si atashi na kakaiba kapag nagsisite visit sya. Parang may navivibe akong iba. Basta. 
Exhibit 3: Ayyy ito winner to. Pramis! So as usual, bagong work, bagong mga officemates syempre. Pero nadinig ko to one year na ata ako sa work no. Chismisan kami sa pantry ng mga officemates ko.
Officemate 1: Beks, straight ka daw?
Me: ANOOO? (Juice colored naman! Presscon ba gusto ng mga to???)
Officemate 1: Oo daw. Kasi nung minsan nasa gym ka, gusto ka nila ayain magbasketball. Baka daw nahihiya ka lang.
Me: Kung volleyball yan, go ako. Pero basketball? Sige, push nyo yan. 
Officemate 1: Sabi nga nila, varsity ka pa daw nung high school.
Me: Yung totoo, san nyo kinukuha yung mga chismis na yan????
Oh di ba? Pak na pak yung mga chismis sakin. Winner. Gusto ko talaga tumambling paminsan. Pero atllith! Nakakaaliw ang chismis tungkol sakin. Wit yung nakakastress. Wag ganon! Lakas makawala ng ganda! HAHAHAHAHAHA!

Dito na lang, Babu na si Beki Whisperer. Kung magchichismisan, healthy chismis. Wag puro tungkol sa sexuality. Hanash nyo muna sakin para sense natin si kuya, baka malansa!   


Straight ka ba?

First self centered post Ko to, pagbigyan na! Ngayon Lang to! Charaught! Matagal ko nang frustration ang hair Ko. Ang Hirap Ayusin! Sabi Ko Dati "Lord, Sana kulot na Lang hair Ko para Madali Ayusin." Masyadong bagsak Kasi. Jirap utusan umayos unless sangkaterbang wax ang lalagay! Sight mo



Ganda na ng background di ba? Si hair, kung sansan nagpupunta! May sariling buhay! Pero one time, gujab si hair stylist Dahil napasunod nya Hurr ni Akems! Sight mo ulet oh


Oh di ba???? Deds ka na Lang sa pagkahubadera ni atashi. Hurr Ko focus dito. Chos! Pero jusmiyo, si stylist naghairspray pa Nyan! So, Ito nga. Dahil nga sa may salon na, napagtripan namin ng stylist na ikulot ang Hurr Ko. Sabi Ko wag permanent at baka di mabetan ni atashi! Last na sight na to. Pramis!


Sabi Ko sa sarili Ko, ok naman sya. Kaso mahirap pa din pasunurin! Hair, lagi ka na Lang ba Ganyan? Ikaw ang boss satin dalawa? Di ba dapat ako? Kanino Ko ba sasangguni ang mga hair issues Ko? Chos!


This is the Beki Whisperer at kung may issue kayong mga hitad kayo sa hair, fly na sa salon namin sa Maginhawa. Chair Salon ang title ha? (Makapag plug!) ikakaganda nyo yan. Yung sakin, wala na pag Asa. 

Friday, March 27, 2015

Gym Fit

Let's get physical na ang peg ng mga tao ngayon di ba? Lalo na malapit na ang bitch season! Ay sorry, beach pala. Hihihihi. At syempre, diet dietan na mga tao ngayon (Yes, Starbucks people na umoorder ng non-fat, no whip frap, I'm talking to you) at eeksena din sa gym mga yan para i-flaunt sa beach ang pagka-borta! Ito lang ang tips ko sa mga mag ggym.

1. Be considerate. Kuya, kung tapos ka na sa machine wag ka naman tumambay. Fine may isang set ka pa. Pero juice colored naman! Kung magtetext ka lang, checheck mo lang kung may message ka sa Grindr, or magseselfie, tumayo ka na lang ples. May mga nakapila pa ata. Pero kung All By Myself peg mo sa gym, knock yourself out. Mabagsakan ka sana ng plates. Chos!

2. Learn to ask. If ever may gumagamit ng dumbbells na gusto mo gamitin, ask mo kung check lang na hiramin mo para sa isang set. Wag ka namang tatayo sa likod nya na parang anino ka jan! Chaka yon!

3. Don't stare. It is rude to stare. Kahit na artista pa katabi mo sa gym, juice colored! Nagwowork out yung tao! Yan ang tinatawag na "me time." Tsaka I'm sure hindi papayag sa photo op yan dahil sino ba gusto magpaphoto ng Haggardo Versoza ang peg? Aber?

4. Don't show-off. Kuya kebs namin kung kaya mo mag bench press ng 200lbs kung mali naman posture mo! Buhatin mo yung check na bigat lamang. Not too light na mas sweet ka pa kay Maria Clara, but not too heavy na isang count lang, deds ka na.

5. Be consistent. Kapag sinimulan mo, tapusin mo (Shet! Practice what you preach teh! Chos!). Tsaka kuya, may iba pa tayong parts ng katawan na kelangan i-work out. Ha? Hindi puro chest at biceps! Meron ka din legs no! Kaya, have a schedule to be consistent sa work-out mo.

6. Discipline. Ate, hindi porke nag ggym ka, lalafang ka na kung anong bet mo! Yiz, maraming temptation, pero kelangan magpigil. Pero syemps, indulge ka din paminsan. Masama din naman yung puro ka na lang diet no! Sarap kaya lumaps!

7. Don't be too conscious. Kung majubis ka, wag ka mahiya! Maganda nga yan na you're doing something to be healthy! Tandaan, ang pag ggym, side effects lang ang pagkakaron ng six-pack! Ang tunay na dahilan dapat ay pagiging healthy! Kung mag ggym ka lang para magka six-pack, wag ka na mag aksaya ng panahon. Magpunta ka na lang kay Belo! Sanla mo na kaluluwa mo para magka okani at fly na sa clinic nya! (Sabihan mo ko, may kilala akong sanglaan. Mababa lang interes teh!)


Yan. Yan ang aking top 7 tips (feeling pro???). Di ko naman sinabing sundin mo, kaya nga tips at hindi rules! Kaya wag na magpatumpik tumpik! I know kaya ka lang naman mag ggym dahil atat na atat ka na magpost ng selfie mo sa gym na may mga captions na "back to square one," "getting ready," at yung mga Laboracay hashtags mo! Good luck, dahil one month na lang ang #Laboracay!


This is the Beki Whisperer see you sa gym and say hi dahil I can sense your presence kahit magtago ka sa sulok ng gym!

Wednesday, March 25, 2015

#CommuterProblems

Dahil sa may rollback daw ang presyo ng gas, naalala Ko. Magkano na nga ba pamasahe? Don't get me wrong. Wala ako karu. Purita Mirasol din si atashi. It's just that, MRTams ang ganap Ko everyday. And speaking of, sa sipag ng mga Pinoy gumawa ng bata (oh aminin!), nakakajirits mag Commute! Samut-saring tao makakasalamuha mo! And I'm sure naka sabay mo na ang Isa sa mga to!



THE CALL CENTER AGENT

Ito yung mga kung makipag usap sa phone eh akala mo Kanila buong mrt! Living area nyo Kuya? Alam mo na kung ano nangyari Kay Aling Inez Dahil sa lakas ng pakikipagusap nya! (Yes, Aling Inez Dahil nakakainez ka!). Parang walang private moments! Nagchichismisan lang, kelangan sa mrt pa? Oo, na Kuya! Sige na! Nakita Ko na yung 5110 na pinagyayabang mo!

THE FEELING CLOSE

Alam mo yung ang luwag ng mrt/jeep/bus pero pinagsisiksikan nya yung sarili nya sa tabi mo? Ganyan si FC! Hindi mo maintindihan kung nababanguhan sya ng sobra sayo, feeling nya safe sya tabi mo kasi kasing-katawan mo si Wonder Woman, baka kras ka nya (Yes, nangyari sakin. KAPAL LANG! FEELINGERA! Hahahahaha!), or para syang yung kasunod na si...

THE CHISMOSA

Ito yung ayoko katabi (dahil gawain ko din to. Hihihihih). Magtetext ka, nakikibasa! Minsan, may nabasa ako ganito "Hi mahal. Pauwi na ako. Medyo matraffic lang sa EDSA" Echingera! Nasa MRT ka matraffic??? Stop-stopping me! O kaya, minsan may nakasabay ako, nakikipagbreak kay ate yung boypren nya! Tapos, ay tama na, marami pa yan. Alam nyo na yan. I'm sure hindi lang ako gumagawa nyan. CHOS! 

THE DRAGON

JUICE COLORED!!!! Ito yung ayaw ko katabi! Parang ni hindi naghilamos si kuya nung umalis ng bahay! Parang dragon ang breath tapos sasabayan pa ng jabar at parang coke ang pinangligo sa lagkit nya? JUICE COLORED! Umaga pa lang, ganyan ka na, pano pa mamyang hapon?? Mas malala kung si The Dragon eh The Feeling Close din. Gudlak sayo teh! Nakacorporate ka pa? Mas gudlak!

THE SOCIALITE

Ay, ito. Si ate no, kung makaupo kala mo binayaran yung isang buong jeep pero before magbayad daming hanash na ang mahal mahal ng pamasahe. Ilulugar ha? Pwede din dito na yung kung makapag flaunt ng gadget. Oh, di ikaw na naka-iPhone 6 Plus. Push mo yan teh!

THE DJ

Eto, mild lang naman na nakakaasar. Yung tipong naka Beats na headsets pa with matching beatbox pa. Minsan gusto ko sabihan "Kuya, layo ka konti. Kakabeat box mo, laway mo, tumatalsik sakin" Yakkadiri di ba??? O kaya minsan gusto ko linyahan ng ganito "Kuya, alam mo, favorite ko din si Rihanna. Nakarelate din naman ako sa We Found Love nya, lalo na at bet ko din si Calvin Harris (hihihihi) pero alam mo ba na subtitles na lang kulang, parang nasa videoke na ako?" Yes, teh. Nakatabi ko sa bus ganyan kalakas magpatugtog! Nagheadsets ka pa!


Oh di ba? Masaya naman magcommute! Wag ka lang talaga lalapit sa mga ganyang tao! Chos! Kaya nga may slogan tayo na "Commuting, it's more fun in the Philippines." Pero kung habal-habal lang, kayo na lang. Di ko pinangarap! 


This is the Beki Whisperer, suki ng MRTams at kahit dun, I see gay people all the time. Naghihipuan pa! Charot! HAHAHAHAHA!

Friday, March 20, 2015

Ang weird Lang....

Alam mo yung moment na ang weird ng headline ng news? Araw Araw yan sa trabaho Ko. Katulad nito


Cholbam? Zeriously? Kung kagaya Ko marunong ka mag swardspeak, ang sholbam ay "call boy." Oh ha! Pwede na pang gamot ang call boy? Kung Ganon, Ay sya babalik na Ko sa pagiging sholbam kung makakagamot ako! Chos! 

Ito pa


Bakit ngayon Lang ginawa tong research na to???? Di Sana Nung elementary pa Lang ang saya Ko Na! Kung ginagawa nyong 3 hours ang recess di ba??? Jusme naman!

Last na to, promise! 


Good sleep daw equates to good sex! Ay mga Bakla, umeklips na kayong lahat para Sumaya sex life nyo ng jowa nyo! Pero wag nyo naman gawin yan while doing it ha! Stress yon! Sakit sa puson! Chosss! 



This is the Beki Whisperer, and remember, I see gay people all the time. Kaya Kung closeta ka, magtago ka na! Charot Lang! 




Images from Google. 

Wednesday, March 18, 2015

Full-Fledged

Namiss Ko to! Ang arte! 2 days Lang Hindi nakasulat miss agad? Clingy mo teh! Hay, andaming ganap Nung weekend! Jowa and I have been thinking to start up a business for some months now. Daming Hanash kung Anong business ang pwede gawin! Join ng bazaar, open ng resto (mayaman???), benta ang katawan Ko. Ganong levels. Si friend ni jowa, may Hanash na may nagbebenta ng salon. Yes, teh. Salon! Sabi Ko, juice colored, fullf-fledged na ba talaga ako? Paninindigan na ba namin to. Wala na Isip Isip. Wala na patumpik-tumpik! Grab ng opportunity. Kaya ngayon, may business na kami! Proud salon owners! Well, technically, sya. Pero the managing, 70-30. Layonesa sya no! Ako, isang tambling Lang andun na ako. Anywhoo, will post pics soon. At balak pa renovate ang salon. Hoy, sa kung sino man na nagbabasa nito, magpunta kayo sa salon namin! Walang hahanash ng discount at libre. Nagsisimula pa Lang parang awa nyo na!

Salon is located at Unit 101 Sterten Place Condo, Unit 113 Maginhawa St. QC. Chair ang title ng salon. Kaya fly na malapit yan sa bayantel across BDO. Lalo a sa mga taga QC jan. After magpaganda sa salon, magselfie at upload na sa FB, IG, Twitter at kung ano pang social network Meron ka! Tapos lumaps sa mga Kainan sa maginhawa. Oh, marami dun wag kayo umarte. Say hi Kay atashi pag magpunta Kay????

See you when I see you, cos the Beki Whisperer sees gay people all the time.

Sunday, March 15, 2015

Dedma

Tatlo kaming magkakapatid, I'm the eldest then two girls ang sumunod. The youngest, unplanned yon! Pero, special yan. She has Down's syndrome, kaya special sya in more ways than one. Ito sya oh with the parents.


Minsan, naconfine yan. Napakasakitin kasi. So fly ako ng Etivac. Pagdating ko dun, mas malakas pa sa kabayo kung makasipa! Sabi ng mudra, nag iinarte lang daw. So, nagchismisan na lang kami ng mudra at ang isang sister ang topic namin. 

Akems: Oh, kamusta na boyfriend ng anak mo?
Mudra: Ayun, wala na.
Akems: Ha? Hindi ko pa nakikilala yan, wala na kagad?
Mudra: Ehhh... wala daw time sa kanya. Puro daw trabaho. Hindi sya pinupuntahan. Di hindi na pinapansin.
Akems: Isn't that a good thing? Priority ang work. Tapos di papansinin ng dahil dun lang?
Mudra: Ehhh... kilala mo naman yang kapatid mo. Parang ikaw, kapag ayaw na hindi na pinapansin.
Akems: (Si Mudra nakakadalawa na, kelangan ko na bumawi dito) Eh sa tingin mo, kanino pa kami magmamana? 
Mudra: ....


YES!!!! Nakabawi ako kay Mudra!!!!

Friday, March 13, 2015

When Your Heart Beats

Lahat naman tayo may mga awkward moments di ba? Aminin. Sige. Ikaw na perfect Kung wala ka awkward moment. 

Earlier sa office, nakikinig ako ng music. Naka headsets naman ako! Grabe, Hindi naman ako nangbubulabog. Pero Dahil sa bago ang headsets Ko, Hindi Ko pa kabisado ang lakas nya. Nag message sakin ang katabi Ko ng "when your heart beats." Dahil sa Hindi Ko alam. Sagot ako ng "huh?" Akala Ko wrong sent ang hitad! Narealize Ko na Lang na super lakas pala ng music Ko at nadidinig na nya. At ang sinasabi nya Ay ang pinakikinggan Ko. At Ito yon



Yes. Donna Cruz. Kapag Tumibok ang Puso. Baket ba?????? Gusto Ko mag retro! Walang basagan ng trip! Dahil jan, hininaan Ko na Lang. Baka sumayaw na Sila sa office pag nagkataon. 


Image from Spotify.

Thursday, March 12, 2015

I'm Coming Out!

HOMAYGAD!!!! 

Totoo na ata to! First blog entry! Ok fine, not really. Had an earlier blog pero had to discard it at ang emo! Hahahaha! Puro tungkol sa kasawian ko sa pag ibig! Anywhoo, dahil sa unang hanash to sa bagong blog, syempre kelangan angkop naman sa title ng blog diva???? 

Hanash natin ditrax kung pano nag out si akems kay mudra! Well, ito nga yan no mga mars. Alam naman nating lahat na wala tayong maitatago sa mga mudra natin. Damang dama ni akems na alam nyan ang lahat ng libag natin sa kasingit singitan ng katawan natin. Kahit anong arti mo jan teh, knows yan ni MADAM! Kaya I have a feeling na alam na ng mudra na beki ang junakis nya ever since. Dahil tanda ko pa na ilang beses din tinanong si atashi nyan nung bagets pa ako. "Bakla ka ba?" Syempre, Queen of the Nile ang atashi no! Dahil ang dami atang expectations ng parenthood kay atashi dahil nga sa ako ang panganay at ako lang ang ohm sa mga magshushupated! Bet ata nilang makatikim ng apo na magdadala ng last name nila. Oh well papel, hindi priority ni atashi yan. Pero mga bakla, in fairness, ang daldal nyo ha! Lumalayo na tayo sa topic!

So, ito nga yan. Nagkaron ako ng jowa for 10 years, na itatago natin sa pangalang EX. Yizzzz mga teh, 10 years. Tsaka na hanash jan. Papaalam ko muna sa lola nyo baka maimbey yun at chinichika ko sya kung kanikanino. So ayun nga, dinadala ko naman sa bahay yan. So knows ni mudra at pudra yan. Kasama sa mga family gatherings din yan oi! Pero walang pa-press con si bakla kung anong ganap sa min! HAHAHAHAHAAH! Last year, dahil kinati si atashi at na-Julie Yap Daza ng jowa, syempre, break break-an na di ba? Nagkausap kami ng mudra sa text after ng break up. 

Mudra : Oh, sabi ng tita mo andun ka daw sa kanila nagsstay ngayon. Bakit ka anjan? (Magkasama din kasi kami ng ex sa balur.)

Atashi: (nag-iisip na ako ng idadahilan ko. pero sabi ko why not ispluk na kung bakit talaga di ba?) Eh kasi, nakipagbreak na ako kay EX.





In fairness, ang tagal sumagot ng mura! Akala ko kung ano na naganap sa kanya non! Biglang nagtext ang pinsan ko.

Kasin: Hoy bakla! Bakit ako tinetext ng mudra mo kung ano daw nangyari sa inyo ni EX? (See. Sabi na alam ni mudra nuon pa. Pero teh, malamang! 10 years ba naman kayo magkasama sa balur no!)

Atashi: Bakit ikaw tinetext? Sabihin mo ako tanungin nya no. NAKAKALOKA!




Unya unya, nagtext ulit ang mudra.

Mudra: Anong nangyari? May iba ka na ba? (Ay wow, ma! Thank you ha! Talaga bang saming magjowa ako yung may tendency na magloko???)

Atashi: Meron na. 

Mudra: Sino na naman yan? Baka adik-adik yan. Di mo kilala yan.

Atashi: Ma, marunong naman siguro ako kumilatis ng tao kung matino or hindi di ba?


After nun, hindi na sumagot ang mudra. Gayan yan. Masasanay ka din jan. Pero nagkaron pa kami ng usapan nyan nung umuwi ako sa balur namin sa Etivac. Nilinyahan pa ako ng mudra ng ganito.

Mudra: Sino na naman yan bagong kasama mo? Ikaw talaga. Para kang gago. Matino naman si EX bakit hiniwalayan mo pa?

Atashi: Eh ma, hindi na ako masaya eh. Anong magagawa ko?

Mudra: Eh...... ano yan? Ikaw ba lalaki jan?


HOMAYGAD! Si mudra tinatanong ata kung ako ang top or bottom sa relasyon!!! Juice colored! Lumabas ako ng balur after nun at nagsuba! Di ko kinakaya! Dapat pala sinabi ko na "MA! My gosh! Pwede tayo maging open, pero not my sex life!" 


Kaya mga beks, kung ako sa inyo, labas na ng closet. Alam na naman ng pamilya nyo yan. Mainit sa loob, baka may surot pa jan. Tatanggapin naman kayo nyan. Kung hindi, hanash nyo sakin. I heart to heart natin. CHOZZZZ!