Let's get physical na ang peg ng mga tao ngayon di ba? Lalo na malapit na ang bitch season! Ay sorry, beach pala. Hihihihi. At syempre, diet dietan na mga tao ngayon (Yes, Starbucks people na umoorder ng non-fat, no whip frap, I'm talking to you) at eeksena din sa gym mga yan para i-flaunt sa beach ang pagka-borta! Ito lang ang tips ko sa mga mag ggym.
1. Be considerate. Kuya, kung tapos ka na sa machine wag ka naman tumambay. Fine may isang set ka pa. Pero juice colored naman! Kung magtetext ka lang, checheck mo lang kung may message ka sa Grindr, or magseselfie, tumayo ka na lang ples. May mga nakapila pa ata. Pero kung All By Myself peg mo sa gym, knock yourself out. Mabagsakan ka sana ng plates. Chos!
2. Learn to ask. If ever may gumagamit ng dumbbells na gusto mo gamitin, ask mo kung check lang na hiramin mo para sa isang set. Wag ka namang tatayo sa likod nya na parang anino ka jan! Chaka yon!
3. Don't stare. It is rude to stare. Kahit na artista pa katabi mo sa gym, juice colored! Nagwowork out yung tao! Yan ang tinatawag na "me time." Tsaka I'm sure hindi papayag sa photo op yan dahil sino ba gusto magpaphoto ng Haggardo Versoza ang peg? Aber?
4. Don't show-off. Kuya kebs namin kung kaya mo mag bench press ng 200lbs kung mali naman posture mo! Buhatin mo yung check na bigat lamang. Not too light na mas sweet ka pa kay Maria Clara, but not too heavy na isang count lang, deds ka na.
5. Be consistent. Kapag sinimulan mo, tapusin mo (Shet! Practice what you preach teh! Chos!). Tsaka kuya, may iba pa tayong parts ng katawan na kelangan i-work out. Ha? Hindi puro chest at biceps! Meron ka din legs no! Kaya, have a schedule to be consistent sa work-out mo.
6. Discipline. Ate, hindi porke nag ggym ka, lalafang ka na kung anong bet mo! Yiz, maraming temptation, pero kelangan magpigil. Pero syemps, indulge ka din paminsan. Masama din naman yung puro ka na lang diet no! Sarap kaya lumaps!
7. Don't be too conscious. Kung majubis ka, wag ka mahiya! Maganda nga yan na you're doing something to be healthy! Tandaan, ang pag ggym, side effects lang ang pagkakaron ng six-pack! Ang tunay na dahilan dapat ay pagiging healthy! Kung mag ggym ka lang para magka six-pack, wag ka na mag aksaya ng panahon. Magpunta ka na lang kay Belo! Sanla mo na kaluluwa mo para magka okani at fly na sa clinic nya! (Sabihan mo ko, may kilala akong sanglaan. Mababa lang interes teh!)
Yan. Yan ang aking top 7 tips (feeling pro???). Di ko naman sinabing sundin mo, kaya nga tips at hindi rules! Kaya wag na magpatumpik tumpik! I know kaya ka lang naman mag ggym dahil atat na atat ka na magpost ng selfie mo sa gym na may mga captions na "back to square one," "getting ready," at yung mga Laboracay hashtags mo! Good luck, dahil one month na lang ang #Laboracay!
This is the Beki Whisperer see you sa gym and say hi dahil I can sense your presence kahit magtago ka sa sulok ng gym!
No comments:
Post a Comment